Tuesday, September 30, 2008
Sabi ko sa nanay ko nung magdedebut pa lang ako, "Wag na tayong maghanda, punta nalang tayo sa Baguio." Sobrang dream ko talaga siya. Unfortunately, naghanda sila. Sinabay sa binyag ng pinsan/pamangkin ko. Ngayon, I'm turning 19, este, 21 pala, naggrant ng friends ko ang wish ko. Gagawa ako ng timeline..


September 26,

7pm

)> Nasa office pa rin. 4pm palang, kinukulit na nila akong umuwi kaso wala naman akong magawa kasi kailangan kong tapusin lahat ng reports ko.

8pm

)> Nasa bus na.. Finally.. 8:30 ako dumating sa bahay at walang pahi-pahinga, nag-ayos agad ako ng gamit.

9pm

)> Nasa jeep na kami ng kapatid ko, papunta na kina Jing. Dun na kasi kami matutulog para diretso alis na ng maaga.

10pm

)> Weeh. Na kina Jing na kami. Go na talaga to. Kumain kami pagkarating sa kanila and at 10:30 pm, nagpunta kami sa Shopwise para mamili ng baon sa byahe.

11pm

)> Tulog na si Chris at si Felix habang kami ni Jing, nanonood ng Heroes mula episode 0 hanggang episode 2.. Tama ka ng iniisip, hindi nga kami natulog.. Haha..

1am

)> Nagprepare na kami ni Jing ng gamit namin. 1:30 namin sila ginising.

2am

)> Gising na sila! Ay, mali pala. Bumangon na sila. Hehe.. 2:30 kami nagpunta sa bus terminal.

3am

)> Nasa bus na kami. Baguio, here we come.. ^_^


-o0o- Commercial Break muna, tulog ako, eh.. Hehe.. -o0o-


7am

)> Weeh! I'm awake. Nasa Pangasinan na kami. Nakakita ako ng scare crow. Haha. Wala lang. Natuwa lang ako.

9am

)> Natanaw ko na, "Welcome to Baguio City".. Nananaginip ba ako? Haha. Parang tanga lang. Halatang first time ko. Hehe.. 9:30 kami dumating sa hotel.

10am

)> Wala ng ligpit-ligpit, go na kami sa downtown.. :D


Tanggalin ko na ang oras.. :D


Our first stop, Baguio Cathedral. Syempre, dahil bago kami sa lugar, simbahan muna ang pupuntahan namin. Konting get-to-know kay Our Lady of Atonement at weeh, pinabayaan na kami ni Tita Gi (mother ni Jing). Syempre, kailangan namin ng pera kaya nagpunta kami sa pinakamalapit na BPI ATM. Akala mo naman ako ang magwiwithdraw, syempre hindi. Haha. After nilang makalikom ng salapi, kami ay nagtungo sa SM City Baguio. :D Maliit lang siya, parang SM San Lazaro lang pero uber lameeeeg.. As in Uber talaga. Kumain kami sa food court, saglit na oras lang ang lumipas mula nung ininit ang ulam namin, shing, malamig na agad. Ganun kalamig lalo't may bagyo nga talaga sa Baguio.
 
posted by demoiselle at 8:48 AM
Thursday, September 25, 2008
Lahat ng pinaghirapan ko for a month, wala na.. Kailangan ko ulit magsimula sa hindi ko alam na simula. Kailangan ko uling ulitin yung mga bagay na hindi ko naman alam kung pano ko nagawang simulan noon. Ang gulo, noh?

Actually, wala naman akong balak na ipost pa to rito pero dahil naaaning na talaga ako at baka madala pa ko sa mental sa kaaningan ko, eto. Ilalabas ko siya.. Haay.

Nag-online lang naman ako dahil may kailangan naming magkumperensya nina Jing, Bryan at Felix para sa Baguio trip namin this Saturday na hindi namin alam kung matutuloy dahil sa bwisit na bagyo na yan. Kaso naisip ko siya at ang way ko ng pag move on, parang hindi naman effective ung ginagawa kong pag-iwas. Iniiwasan ko nga siya, mula paggising ko hanggang sa panaginip ko, siya naman ang laman. What's the use? So, kinausap ko siya. And honestly, namiss ko talaga siya. Sobra.

Day 2, ganun pa rin. Siya pa rin yung 'baby ko'. Sweet and everything. I must admit, kinikilig ako. Naman, noh. Alam naman ng lahat ang nararamdaman ko sa lalaking yun. At kahit na sinasabi kong lilimutin ko na siya, alam ko namang mahihirapan ako kasi ayaw kong gawin. I'm helping myself pero I'm not giving my one hundred percent. Parang napipilitan lang ako para masabing I'm moving on.

Day 3, dito na nawindang ang mundo ko. Nakastatus message sa isang ID nya na namimiss na nya ko pero mukhang sakin lang naman online habang nakastatus naman sa isang ID nya na galit siya sa gf nya. Windang ako! Pero siyempre, kinikilig pa rin ako. Ang tanga ko, diba? Nag-usap kami. Mula sa kalokohan, sa lambingan, sa mga seryosong usapan at higit sa lahat tungkol samin. Yes, tungkol samin. Ang hirap kasi mahal ko siya at sabi nya mahal nya ko pero hindi na pwede. Para sa ikabubuti naming dalawa. Andami nyang inamin. Andami nyang sinabi na sobrang laki ng effect sakin. Especially when he said that never na nawala yung nararamdaman nya para sakin at naguguluhan na talaga siya. Pati na yung reason (totoong reason) kung bakit kami nagkahiwalay. Haay. Windang ang mundo ko.

Ang lakas pa ng loob kong magsabi na kahit bumalik siya, baka di ko siya tanggapin unless ipakita nyang worth it siya. Pero xiet! Inamin lang nya lahat, open arms ko siyang tatanggapin. XD Biglang roll back lahat. True love nga naman.

Nag-usap kami mula 11pm hanggang 5:30 am. For three months, ngayon lang ulit ako nakangiti ng totoo. Nakangiti kahit umiiyak. Kahit nahihirapan na ko. Ang gulo, noh? Pero simple lang ang rason ko kung bakit ko nasabing totoong smile yun, kasi alam kong mahal nya ko. Ramdam kong mahal nya ko.

"Always remember that there's someone who used to love you more than himself.." :) Di ko alam kung dapat akong matuwa dyan. Mixed emotions.

Bhie, if you're reading this. I want to say thank you for explaining everything. Sorry for all the accusations. And I love you, you know how much. I love you more than life itself. At tama ka, hayaan na nating ang tadhana ang gumawa ng paraan para sa ating dalawa. Masyado pang maraming kumplikasyon sa ngayon at baka maulit lang lahat. If ever you'll stay true to your promise na pagkatapos mong ayusin ang buhay mo, hahanapin mo yung babaeng pinangakuan mo ng soccer team, i assure you na maghihintay yung babaeng yun. :)

If you're happy na nagkausap ulit tayo hanggang umaga, ako rin. Apaw-apaw pa. Hanggang sa muli, baby ko..

J.02.R
-jelorose- [ I miss this.. :( ]

NOTE:
Wala akong tulog kaya sabog ang message ko.. I'm currently sleepy..
 
posted by demoiselle at 8:27 AM
Wednesday, September 24, 2008
Magpapaka-emo muna ako..


I quote: "I need to know that it's possible that two people can stay happy together forever." End quote.


From the film Juno.


Ang gandang statement nun, diba? Is it really possible na pwedeng maging happy ang dalawang tao forever? Is it possible na hindi mababawasan yung nararamdaman ng isang tao para sa isang tao habang lumilipas ang panahon?
 
posted by demoiselle at 6:28 PM
My first love. Hulaan n'yo kung sino. :) Wag na nga lang. I'll share everything na lang about my first love.

Elementary palang ako nung minahal ko siya. Grade one to be exact. Kinikilig pa ko pag nakikita ko siya. Tumitili kapag lumalabas na siya. Nagmamalaki kapag maraming humahanga sa kanya kasi alam ko, akin siya. Curious ka na ba kung sino siya? *wink*

Alam mo, hinding-hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sinong lalaki pa. Nagkamali na akong minsan, nagawa ko siyang ipagpalit pero sa isang walang kwenta pa. Sa isang lalaking iiwan lang pala akong luhaan samantalang siya, alam kong hinding-hindi siya mawawala. Palagi lang siyang nandyan para magpasaya sa'kin. Para magbigay sa'kin ng inspirasyon at motibasyon sa araw-araw. Sino siya?

Sino pa nga ba? Kilala naman ng lahat yan, lalo ng aking ina. Palagi akong pinapagalitan ni mama kapag inuuna ko siya keysa kumain at matulog. Nag-iisa lang naman siya sa puso ko, ang higante ng buhay ko. Purefoods Tender Juicy Giants. Akala mo kung sino na, no?

Purefoods Tender Juicy Hotdogs pa siya noon. Naging Coney Islands. Naging Purefoods Chunkee Giants pa at marami pang pangalan pero iisa lang naman siya. Siya at siya pa rin yun, iba man ang pangalan. Iba man ang mga manlalaro. Siya pa rin yun. Naaalala ko pa, laban niya sa Alaska, 90s pa noon. All Filipino Cup Finals, natalo sila. Grabe ang iyak ko noon. Akala mo mamamatay na ako. Pero kahit ganun, siya pa rin ang natatangi sa puso ko.

Ngayon, ganito pa rin ako. Kinikilig pag nakikita siya. Nagmamalaki kapag maraming humahanga sa kanya at handang makipaglaban ng patayan pag nilait siya. Ang mga lalaki, iiwan lang ako pag may nakitang palpak sa akin pero ang natatanging mahal ko, alam ko, kahit gano ako kapalpak, proud pa rin sakin. Nandyan lang at hinding-hindi mawawala. Nandyan lang at patuloy akong mamahalin kasama ng mga katulad kong nagmamahal sa kanya.

Ang first love ko, noon, ngayon at bukas..
 
posted by demoiselle at 3:13 PM
I am currently loving this song. I am broken, yeah. I actually hate everything he does except the music thingy. He's into music, so am I. The rest, oh, hell! He does everything I don't and everything I hate. He smokes, I have an asthma. He drinks a lot, I hate alcoholic beverages because of some issues involving my very own father. I will not elaborate anymore. It hurts thinking about it.

Bhie, if you are reading this. I want to thank you for everything. For quite some time, I saw you changed for the better, for me. Whatever your reason for leaving is, I want you to know that you were my reason for living. And, uh, I love you still. Always take care.

I Hate Everything About You
--Three Days Grace

Every time we lie awake
After every hit we take
Every feeling that I get
But I haven't missed you yet

Every roommate kept awake
By every sigh and scream we make
All the feelings that I get
But I still don't miss you yet
Only when I stop to think about it

I hate everything all about you
Why do I love you
I hate everything all about you
Why do I love you

Every time we lie awake
After every hit we take
Every feeling that I get
But I haven't missed you yet

Only when I stop to think about it

I hate everything all about you
Why do I love you
I hate everything all about you
Why do I love you

Only when I stop to think
About you, I know
Only when you stop to think
About me, do you know

I hate everything all about you
Why do I love you
You hate everything all about me
Why do you love me

I hate
You hate
I hate
You love me

I hate everything all about you
Why do I love you
 
posted by demoiselle at 1:30 PM
Monday, September 22, 2008
Got this from someone.. :)

I think it's right..

OCTOBER BABY

Loves to chat. > Guilty as charged..
Loves those who love them. > Opkors..
Loves to takes things at the centre. > -.-
Inner and physical beauty. > Friends, eherm!
Lies but doesn't pretend. > Yesh.. Indeed.
Gets angry often. > Haha. True! Hot tempered ako, eh.
Treats friends importantly. > Martir na kaibigan daw ako sabi ng nanay ko.. >.<> Lemme see..
Always making friends. > Dyaran!
Easily hurt but recovers easily. > Bakit ngayon, hindi? :(
Daydreamer. > Uber!
Opinionated. > I am..
Does not care to control emotions. > Aguy! Sapul!
Unpredictable. > Guilty!
Extremely smart, > Naks.. Ako nga ba?
but definitely the hottest AND sexiest of them all. > Walang kokontra!!! Haha.. Behlat!
 
posted by demoiselle at 3:24 PM
September 7, 2008.

The crowd was roaring, este growling pala dapat. Twenty-two point something k ang crowd sa Big Dome nyan. Super dami, and yes, kung sasabihin mong mas marami ang crowd ng UP. Totoo naman. Siksikan talaga sila.

I was expecting na FEU talaga ang manalo though syempre, UST ang gusto kong manalo, bias lang.. Haha. Pero all in all, the Cheerdance Competition this year was tough. Super! Ang hirap mamili kasi lahat nag-improve. From National University to University of Santo Tomas. Medyo may mga sablay pa rin syempre, di naman maiiwasan yun.
 
posted by demoiselle at 1:23 PM
It has been three months..

I have been single for three months now and yet, I felt like I am still healing this broken heart. I am still young, I know. Months before, I only spend a month mourning over my shattered heart. After a month, I am as good as new. But now, I feel like everyday, everything's getting worse and worse. He has already moved on, I know that. He already have someone new. Prettier, I guess. And way much better, maybe. While here I am, still hoping that someday, he'll realize that he still loves me the way I love him.

Stupid, huh?! I am, yes. I don't know what to do. I really do not know. I used to be strong but now, I am so vulnerable.

Mind, help my heart..

Lord, help me get through this..
 
posted by demoiselle at 12:46 PM