Wednesday, October 22, 2008
Today, I've come up to a decision. Ayoko na. Tama na ang sobrang katangahan. I will finally let go. Ang hirap ng desisyon na to pero naimpluwensyahan ako ng Gossip Girl dito. Haha. :P Maybe sometimes love is just aint enough sabi nga sa kanta.. :)
 
posted by demoiselle at 3:57 PM
Friday, October 17, 2008
Yesterday was my 21st birthday.. I waited from 12 am of 16th to 12 am of 17th pero hindi nya ako naalalang batiin. Maski simpleng happy birthday. Kahit di na ako kausapin. Unfortunately, wala, eh. Too bad. The day before, nasabi ko sa sarili ko, kung hindi nya ako babatiin, ibig sabihin, he really don't care about me kaya kailangan ko na talaga siyang kalimutan, no matter how hard it is. And that was it. I need to forget him.

"Today, realizations hit me. There's more to love than men." Yan ang status message ko kagabi sa YM. Well, totoo naman. Una, nakita ko ulit ang value ng family ko na una kong nakita nung nagsicteen ako. Wala si Mama sa bahay, nasa Bulacan siya. Nagbabantay sa mga pinsan ko. Akala ko, ito na yung unang birthday ko na wala siya.. Pero hindi. :) Umuwi siya. Nagulat ako. Saka muntik na akong maiyak. Seryoso.

Second realization. Friends. I was touched. Mula noong 16th birthday ko, di na ako nahilig sa regalo. Hindi na ko materialistic. Ayos na ko maalala mo lang na birthday ko, kahit walang kahit na anong gift. Pero kahapon, a friend here in the office gave me something. A paper na may nakasulat. Powerpoint. :) Natouch ako super. For the effort. I realize, I was once a good friend, why not bring back the old me. The GOOD friend who'll do anything to help.

Third, I realized I love him still but he don't so let go. :) Goodluck to me.. And happy birthday na rin sakin..
 
posted by demoiselle at 11:28 AM
Friday, October 10, 2008
Spotted. [xoxo Gossip Girl]

Hi!

I felt like writing again. Naguguluhan na kasi ako. Really. I want to know me. I want to know myself. Sino ba talaga ako? Ako ba yung iniisip kong ako o there is so much beyond? Nakakatawa lang kasi noon super confident ako na kilala ko ang sarili ko pero paglipas ng mga panahon, palinaw ng palinaw yung tanong, sino ba ako? Ano ba ang gusto ko? Ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Haay. Sana matuklasan ko lahat. Someday..
 
posted by demoiselle at 2:32 PM
Monday, October 6, 2008
Last night, akala ko puro problema lang talaga yung darating. Naaning na naman siya. Di na naman nya ako kinausap but then POOF!

May nagpm sakin.. Guess who? Weeh! Anthony Espiritu. Yes, you've read it right. Si Anthony po ng UST Growling Tigers. Well, di maganda yung unang pm nya pero pm pa rin yun, noh. To think na hindi naman nya ako kilala.. Haha. We've talked for minutes at sobrang kilig naman ako. Siya lang naman ang crush ko sa UST players. :)

Natanong ko pa siya kung bakit hindi siya nagpadraft. Haha. Kapal ng mukha, eh, noh. Pero sumagot naman siya. Weeh! So happy. So kilig..
 
posted by demoiselle at 4:35 PM
Tuesday, September 30, 2008
Sabi ko sa nanay ko nung magdedebut pa lang ako, "Wag na tayong maghanda, punta nalang tayo sa Baguio." Sobrang dream ko talaga siya. Unfortunately, naghanda sila. Sinabay sa binyag ng pinsan/pamangkin ko. Ngayon, I'm turning 19, este, 21 pala, naggrant ng friends ko ang wish ko. Gagawa ako ng timeline..


September 26,

7pm

)> Nasa office pa rin. 4pm palang, kinukulit na nila akong umuwi kaso wala naman akong magawa kasi kailangan kong tapusin lahat ng reports ko.

8pm

)> Nasa bus na.. Finally.. 8:30 ako dumating sa bahay at walang pahi-pahinga, nag-ayos agad ako ng gamit.

9pm

)> Nasa jeep na kami ng kapatid ko, papunta na kina Jing. Dun na kasi kami matutulog para diretso alis na ng maaga.

10pm

)> Weeh. Na kina Jing na kami. Go na talaga to. Kumain kami pagkarating sa kanila and at 10:30 pm, nagpunta kami sa Shopwise para mamili ng baon sa byahe.

11pm

)> Tulog na si Chris at si Felix habang kami ni Jing, nanonood ng Heroes mula episode 0 hanggang episode 2.. Tama ka ng iniisip, hindi nga kami natulog.. Haha..

1am

)> Nagprepare na kami ni Jing ng gamit namin. 1:30 namin sila ginising.

2am

)> Gising na sila! Ay, mali pala. Bumangon na sila. Hehe.. 2:30 kami nagpunta sa bus terminal.

3am

)> Nasa bus na kami. Baguio, here we come.. ^_^


-o0o- Commercial Break muna, tulog ako, eh.. Hehe.. -o0o-


7am

)> Weeh! I'm awake. Nasa Pangasinan na kami. Nakakita ako ng scare crow. Haha. Wala lang. Natuwa lang ako.

9am

)> Natanaw ko na, "Welcome to Baguio City".. Nananaginip ba ako? Haha. Parang tanga lang. Halatang first time ko. Hehe.. 9:30 kami dumating sa hotel.

10am

)> Wala ng ligpit-ligpit, go na kami sa downtown.. :D


Tanggalin ko na ang oras.. :D


Our first stop, Baguio Cathedral. Syempre, dahil bago kami sa lugar, simbahan muna ang pupuntahan namin. Konting get-to-know kay Our Lady of Atonement at weeh, pinabayaan na kami ni Tita Gi (mother ni Jing). Syempre, kailangan namin ng pera kaya nagpunta kami sa pinakamalapit na BPI ATM. Akala mo naman ako ang magwiwithdraw, syempre hindi. Haha. After nilang makalikom ng salapi, kami ay nagtungo sa SM City Baguio. :D Maliit lang siya, parang SM San Lazaro lang pero uber lameeeeg.. As in Uber talaga. Kumain kami sa food court, saglit na oras lang ang lumipas mula nung ininit ang ulam namin, shing, malamig na agad. Ganun kalamig lalo't may bagyo nga talaga sa Baguio.
 
posted by demoiselle at 8:48 AM
Thursday, September 25, 2008
Lahat ng pinaghirapan ko for a month, wala na.. Kailangan ko ulit magsimula sa hindi ko alam na simula. Kailangan ko uling ulitin yung mga bagay na hindi ko naman alam kung pano ko nagawang simulan noon. Ang gulo, noh?

Actually, wala naman akong balak na ipost pa to rito pero dahil naaaning na talaga ako at baka madala pa ko sa mental sa kaaningan ko, eto. Ilalabas ko siya.. Haay.

Nag-online lang naman ako dahil may kailangan naming magkumperensya nina Jing, Bryan at Felix para sa Baguio trip namin this Saturday na hindi namin alam kung matutuloy dahil sa bwisit na bagyo na yan. Kaso naisip ko siya at ang way ko ng pag move on, parang hindi naman effective ung ginagawa kong pag-iwas. Iniiwasan ko nga siya, mula paggising ko hanggang sa panaginip ko, siya naman ang laman. What's the use? So, kinausap ko siya. And honestly, namiss ko talaga siya. Sobra.

Day 2, ganun pa rin. Siya pa rin yung 'baby ko'. Sweet and everything. I must admit, kinikilig ako. Naman, noh. Alam naman ng lahat ang nararamdaman ko sa lalaking yun. At kahit na sinasabi kong lilimutin ko na siya, alam ko namang mahihirapan ako kasi ayaw kong gawin. I'm helping myself pero I'm not giving my one hundred percent. Parang napipilitan lang ako para masabing I'm moving on.

Day 3, dito na nawindang ang mundo ko. Nakastatus message sa isang ID nya na namimiss na nya ko pero mukhang sakin lang naman online habang nakastatus naman sa isang ID nya na galit siya sa gf nya. Windang ako! Pero siyempre, kinikilig pa rin ako. Ang tanga ko, diba? Nag-usap kami. Mula sa kalokohan, sa lambingan, sa mga seryosong usapan at higit sa lahat tungkol samin. Yes, tungkol samin. Ang hirap kasi mahal ko siya at sabi nya mahal nya ko pero hindi na pwede. Para sa ikabubuti naming dalawa. Andami nyang inamin. Andami nyang sinabi na sobrang laki ng effect sakin. Especially when he said that never na nawala yung nararamdaman nya para sakin at naguguluhan na talaga siya. Pati na yung reason (totoong reason) kung bakit kami nagkahiwalay. Haay. Windang ang mundo ko.

Ang lakas pa ng loob kong magsabi na kahit bumalik siya, baka di ko siya tanggapin unless ipakita nyang worth it siya. Pero xiet! Inamin lang nya lahat, open arms ko siyang tatanggapin. XD Biglang roll back lahat. True love nga naman.

Nag-usap kami mula 11pm hanggang 5:30 am. For three months, ngayon lang ulit ako nakangiti ng totoo. Nakangiti kahit umiiyak. Kahit nahihirapan na ko. Ang gulo, noh? Pero simple lang ang rason ko kung bakit ko nasabing totoong smile yun, kasi alam kong mahal nya ko. Ramdam kong mahal nya ko.

"Always remember that there's someone who used to love you more than himself.." :) Di ko alam kung dapat akong matuwa dyan. Mixed emotions.

Bhie, if you're reading this. I want to say thank you for explaining everything. Sorry for all the accusations. And I love you, you know how much. I love you more than life itself. At tama ka, hayaan na nating ang tadhana ang gumawa ng paraan para sa ating dalawa. Masyado pang maraming kumplikasyon sa ngayon at baka maulit lang lahat. If ever you'll stay true to your promise na pagkatapos mong ayusin ang buhay mo, hahanapin mo yung babaeng pinangakuan mo ng soccer team, i assure you na maghihintay yung babaeng yun. :)

If you're happy na nagkausap ulit tayo hanggang umaga, ako rin. Apaw-apaw pa. Hanggang sa muli, baby ko..

J.02.R
-jelorose- [ I miss this.. :( ]

NOTE:
Wala akong tulog kaya sabog ang message ko.. I'm currently sleepy..
 
posted by demoiselle at 8:27 AM
Wednesday, September 24, 2008
Magpapaka-emo muna ako..


I quote: "I need to know that it's possible that two people can stay happy together forever." End quote.


From the film Juno.


Ang gandang statement nun, diba? Is it really possible na pwedeng maging happy ang dalawang tao forever? Is it possible na hindi mababawasan yung nararamdaman ng isang tao para sa isang tao habang lumilipas ang panahon?
 
posted by demoiselle at 6:28 PM